Pagbabalik-Tanaw, Pagpapatuloy, Pagpa-Pahinungód: Has UP Found Its Soul?
superadmin2026-10-09T17:17:02+08:00Sa loob ng 33 taon, patuloy na sinasagot ng Ugnayan ng Pahinungód ang isang tanong tungkol sa kaluluwa ng Unibersidad ng Pilipinas (UP)—sa pamamagitan ng mga taong pinipiling maglingkod, makinig, at magbahagi ng kanilang sarili para sa kapwa. May mga tanong na hindi sapat sagutin ng isang salita. Kailangang balikan ang kasaysayan, pakinggan ang mga taong humubog dito, at tingnan kung paano ito isinasabuhay sa kasalukuyan. Isa sa mga tanong na ito ang “Has UP lost its soul?”—isang tanong na mahigit tatlong dekada nang nagsisilbing hamon sa UP at sa mga taong bahagi nito. Noong ika-30 ng Setyembre 2026, muling [...]