Tao sa Tao, Puso sa Puso: Contextualized Volunteer Capacity Building isinagawa para sa UPOU Ugnayan ng Pahinungód Volunteers
superadmin2026-04-23T10:08:19+08:00Marami nang boluntir ang naging bahagi ng iba’t-ibang programa ng Ugnayan ng Pahinungód mula nang ito ay na-revitalize noong 1994. At sa paglipas ng panahon, marami na rin kwento ang nabuo–mga kwentong nagbibigay-buhay sa bawat tagumpay at patuloy na nagbibigay ng saysay sa paghahandog ng sarili sa bayan. Sa bawat kwentong ito, makikita ang iba’t-ibang dahilan kung bakit pinipili ng mga boluntir na magpatuloy sa paglilingkod. Ngunit hindi madali ang maglingkod, lalo na sa dami ng hamon at pagsubok na patuloy kinakaharap ng mundo ngayon. Kaya’t nakamamanghang isipin na marami pa rin ang patuloy na nagboboluntir. Kasabay nito ang kagustuhang paghusayin [...]