{"id":2229,"date":"2026-10-05T17:01:34","date_gmt":"2026-10-05T09:01:34","guid":{"rendered":"https:\/\/pahinungod.upou.edu.ph\/?p=2229"},"modified":"2026-10-05T17:01:34","modified_gmt":"2026-10-05T09:01:34","slug":"lagpas-at-higit-sa-silid-aralan-ang-buhay-at-kuwento-ng-paglilingkod-ng-mga-e-guro-volunteers","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/pahinungod.upou.edu.ph\/?p=2229","title":{"rendered":"Lagpas at Higit sa Silid Aralan: Ang Buhay at Kuwento ng Paglilingkod ng mga E-Guro Volunteers"},"content":{"rendered":"<div class=\"fusion-fullwidth fullwidth-box fusion-builder-row-1 nonhundred-percent-fullwidth non-hundred-percent-height-scrolling\" style=\"background-color: rgba(255,255,255,0);background-position: center center;background-repeat: no-repeat;padding-top:0px;padding-right:0px;padding-bottom:0px;padding-left:0px;margin-bottom: 0px;margin-top: 0px;border-width: 0px 0px 0px 0px;border-color:#e7e4e2;border-style:solid;\" ><div class=\"fusion-builder-row fusion-row\"><div class=\"fusion-layout-column fusion_builder_column fusion-builder-column-0 fusion_builder_column_1_1 1_1 fusion-one-full fusion-column-first fusion-column-last\" style=\"margin-top:0px;margin-bottom:0px;\"><div class=\"fusion-column-wrapper fusion-flex-column-wrapper-legacy\" style=\"background-position:left top;background-repeat:no-repeat;-webkit-background-size:cover;-moz-background-size:cover;-o-background-size:cover;background-size:cover;padding: 0px 0px 0px 0px;\"><div class=\"fusion-text fusion-text-1\"><p><span style=\"font-weight: 400;\">May pamilyar at maaliwalas na ingay tuwing umaga sa mga silid-aralan ng <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">Kindergarten <\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\">hanggang ikatlong baitang sa ating bansa: mga paslit na mahigpit ang hawak sa malalaking krayola, sabayang pag-awit ng alpabeto na umaalingawngaw sa dingding, at mga gurong pilit pinagkakasya ang kakaunting kagamitan upang makalikha ng makulay na mundo ng karunungan.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Hindi simpleng pagtuturo lamang ang K\u20133. Dito unang tumutubo ang kasanayan sa pagbasa, dito nahuhubog ang tiwala sa sarili, at dito inilalatag ang pundasyon ng buong buhay ng isang bata.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Subalit sa likod ng sigla ng mga paslit, mabigat ang pasan ng mga guro sa primary <\/span><span style=\"font-weight: 400;\">year levels<\/span><span style=\"font-weight: 400;\">. Karaniwan silang sumasabak sa silid-aralan nang walang pormal na pagsasanay sa <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">Special Needs Education<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\">, nangangapa kung paano aalalayan ang batang hindi mapakali o hirap magsalita, habang binubuno ang patung-patong na gawaing pang-administratibo.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Kaya naman noong ika-5 ng Setyembre <\/span><span style=\"font-weight: 400;\">2026<\/span><span style=\"font-weight: 400;\">, kasabay ng pagsisimula ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Kaguruan, muling binuksan ng <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">UP Open University (UPOU)<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\"> Ugnayan ng Pahinung\u00f3d ang <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">Massive Open Online Course (MOOC)<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\"> sa <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">UPOU MODeL platform<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\"> \u2014 ang <\/span><b>E-GURO: Introductory Course in Teaching K to 3 Learners: A Journey to Early Childhood Education.<\/b><\/p>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Ngayong buwan ng Oktubre, sa pagtatapos ng apat na linggong pag-aaral at kasabay ng Pandaigdigang Araw ng mga Guro, nag-iiwan ang E-GURO ng patunay na higit ito sa isang <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">digital training module<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\">. Isa itong buhay na komunidad, isang makabuluhang paglalakbay na pinanday ng malasakit ng mga <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">volunteers<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\"> upang patatagin ang kakayahan at puso ng ating mga guro sa silid-aralan.<\/span><\/p>\n<h3><b>Mula Teorya Patungong Silid-Aralan<\/b><\/h3>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Idinisenyo ang E-GURO bilang isang buwang <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">self-paced<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\"> na kurso na hindi nagpapabigat sa guro gamit ang tuyot na teorya. Sa halip, inilalatag nito ang mga praktikal na pamamaraan na agad nilang magagamit kinabukasan sa kanilang klase.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Sa <\/span><b>Unang Bahagi (Part I)<\/b><span style=\"font-weight: 400;\"> ng programa, dalawang mahahalagang module ang masusing tinalakay ng mga guro:<\/span><\/p>\n<ul>\n<li style=\"font-weight: 400;\" aria-level=\"1\"><b>Module 1: Getting to Know the K to 3 Learners<\/b><span style=\"font-weight: 400;\"><br \/>\n<\/span><span style=\"font-weight: 400;\">Dito masusing inunawa ang mga yugto ng pag-unlad ng bata. Tinutulungan nito ang guro na tingnan ang mag-aaral nang higit pa sa marka o kakulitan\u2014upang maunawaan kung bakit ganoon kumilos at mag-isip ang mga paslit sa ganitong edad.<\/span><\/li>\n<li style=\"font-weight: 400;\" aria-level=\"1\"><b>Module 2: Inclusionary Procedures in the Early Grades Classroom<\/b><span style=\"font-weight: 400;\"><br \/>\n<\/span><span style=\"font-weight: 400;\">Isa sa pinakamahalagang sandata para sa ordinaryong guro, itinuro sa bahaging ito ang pagtukoy sa mga <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">developmental red flags<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\"> o maagang palatandaan ng kapansanan, ang tamang proseso ng <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">referral<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\">, at ang mga umiiral na batas ukol sa inklusibong edukasyon. Binigyan din ang mga guro ng pamamaraan sa pamamahala ng pag-uugali (<\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">behavior management<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\">), kasanayan sa pang-araw-araw na pamumuhay (<\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">daily living activities<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\">), wika, at maagang pagbibilang (<\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">early numeracy<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\">).<\/span><\/li>\n<\/ul>\n<h3><b>Ang Puso ng Bolunterismo: Mga Tinig sa Likod ng Screen<\/b><\/h3>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Hindi magiging ganap ang naging tagumpay ng buong buwan ng kurso kung wala ang mga <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">volunteer<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\"> ng UPOU Pahinung\u00f3d na nag-alay ng kanilang oras bilang <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">evaluator, monitor, resource speaker<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\">, at kasapi ng <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">PubTech Committee<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\">. Sila ang nagbigay ng maamong mukha at mainit na pakikipagkapwa sa mundo ng digital learning.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Bawat volunteer ay may bitbit na sariling salaysay ng<\/span><span style=\"font-weight: 400;\"> pagpa-Pahinungod.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Para kay <\/span><b>Monina Deang<\/b><span style=\"font-weight: 400;\">, isang volunteer na kasalukuyang kumukuha ng kanyang PhD sa UPOU habang naninirahan sa Amerika, hindi naging hadlang ang karagatan at distansya upang maglingkod sa bayang pinagmulan:<\/span><\/p>\n<blockquote>\n<p><i><span style=\"font-weight: 400;\">&#8220;Sa kasalukuyan, isa sa pinakamalaking hamon ko sa pagvo-volunteer sa Pilipinas habang nasa America ay ang pagkakaiba ng oras&#8230; May mga pagkakataong kailangan kong gumising nang napakaaga o kulang sa tulog para lamang makalahok. Mahirap at nakakapuyat, pero kapag nagsimula na ang session at nakikita kong may mga gurong nakikinig, nakikibahagi, at maaaring may mapulot sa aking ibinabahagi, nakakalimutan ko rin ang pagod. Mas nangingibabaw ang saya na kahit napakalayo ko, mayroon pa rin akong paraan para makatulong.&#8221;<\/span><\/i><\/p>\n<\/blockquote>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Ipinapaalala ni Monina na ang bawat sandaling inilalaan ng isang <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">volunteer<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\"> o guro ay may pangmatagalang bunga:<\/span><\/p>\n<blockquote>\n<p><i><span style=\"font-weight: 400;\">&#8220;Isa sa pinakamahalagang natutuhan ko ay hindi kailangang napakalaki ng ating maibigay para magkaroon tayo ng epekto sa buhay ng ibang tao. Minsan, simpleng dagdag na oras lang sa isang estudyante. Minsan, kaunting pagtuturo, pakikinig, paggabay, o pagpaparamdam na may naniniwala sa kanyang kakayahan&#8230; Para sa akin, ang pagvo-volunteer sa Pahinungod ay isa ring paraan ng pagbabalik at pagbibigay-pugay sa mga gurong humubog sa akin at sa sistemang pinagmulan ko.&#8221;<\/span><\/i><\/p>\n<\/blockquote>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">May mga kuwento rin ng paghahanap at pagkatagpo ng tunay na bokasyon. Ibinahagi ni <\/span><b>Joji Santos<\/b><span style=\"font-weight: 400;\">, isa sa mga <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">volunteer<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\">, ang kanyang naging liku-likong landas bago tuluyang naging guro sa <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">Special Education<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\">:<\/span><\/p>\n<blockquote>\n<p><i><span style=\"font-weight: 400;\">&#8220;Sa totoo lang, hindi ko talaga pinangarap maging guro noon. Iba ang kursong ipinasa ko sa UPCAT (BSBAA), iba ang kursong pinasok ko (BS Chem Eng\u2019g) tapos lumipat pa ako ng isa pa. Last year ko na dapat sa UP noon nang magkaroon ako ng kaklase sa Asian Civ na kasalukuyang nagpa-practicum sa Batino, isang paaralan sa QC na may mga batang may visual impairment at intellectual disability. Kinukuwentuhan niya ako ng mga karanasan niya. Unang beses kong nalaman na mayroon palang special education.&#8221;<\/span><\/i><\/p>\n<\/blockquote>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Matapos mag-<\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">AWOL<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\"> at ipaglaban ang paglipat sa College of Education sa kabila ng pagiging graduating na noon sa ibang kurso, nahanap ni Joji ang kanyang misyon. At sa kanyang pagboboluntaryo sa Pahinung\u00f3d, ang pinakamasarap na gantimpala ay ang pag-asang naipapasa sa iba:<\/span><\/p>\n<blockquote>\n<p><i><span style=\"font-weight: 400;\">&#8220;Nakakataba ng puso siyempre kung makalipas ang ilang buwan o taon at may makakasalubong o makikilala na naging bahagi ng Pahinungod Program at sasabihing naalala nila ako at nagamit niya &#8216;yung mga napag-usapan sa mga paklase at nagbabalak na rin siyang mag-volunteer.&#8221;<\/span><\/i><\/p>\n<\/blockquote>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Para naman kay <\/span><b>Fel Baluyot<\/b><span style=\"font-weight: 400;\">, isang pangalawang-guro (<\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">secondary teacher<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\">) na nasa kanyang ikalawang taon na ng pagboboluntaryo sa Pahinung\u00f3d matapos makita ang panawagan sa <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">Facebook<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\">, ang paglilingkod ay isang anyo ng pasasalamat at pagbabalik:<\/span><\/p>\n<blockquote>\n<p><i><span style=\"font-weight: 400;\">&#8220;Bilang isang dating mag-aaral ng mga libreng short courses ng UPOU, para sa akin ay magandang pagkakataon ito na maibalik ang kabutihan ng UPOU sa akin sa pamamagitan ng pakikibahagi ko bilang isang teacher volunteer. Sa una ay nag-aalinlangan ako kung sapat nga ba ang aking kakayahan subalit sinubukan ko pa rin. Masaya at fulfilling ang maging bahagi ng bolunterismo ito&#8230; patuloy at patuloy akong magpapahinungod dahil masarap sa pakiramdam na makapagbahagi kahit sa maliit na paraan.&#8221;<\/span><\/i><\/p>\n<\/blockquote>\n<h3><b>Ang Kahulugan ng Tunay na Edukasyon<\/b><\/h3>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Sa palitan ng kuro-kuro sa loob ng mga <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">forum <\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\">at pagsusuri ng mga pagsasanay sa nagdaang apat na linggo, lumitaw ang mas malalim na kahulugan ng pagtuturo. Hindi ito nagtatapos sa mga aklat o sa loob ng de-kahong silid.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Ayon kay <\/span><b>Rosemarie Domino<\/b><span style=\"font-weight: 400;\">, ang tunay na edukasyon ay sumasalamin sa hubad na realidad sa ibaba:<\/span><\/p>\n<blockquote>\n<p><i><span style=\"font-weight: 400;\">&#8220;Ang tunay na edukasyon ay ang pagbaba sa mga pinakaliblib na lugar kung saan ang mga guro ay umaakyat ng bundok, nagsi-share ng kung anong meron sila sa community, at kadalasan biktima pa ng mapagsamantalang mga nasa katungkulan dahilan upang sila ay ma-burn out o mawalan ng gana na magturo.&#8221;<\/span><\/i><\/p>\n<\/blockquote>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Ito rin ang binigyang-diin ni <\/span><b>Jessie Margarette Dalisay<\/b><span style=\"font-weight: 400;\">, isang dating volunteer teacher sa E-GURO. Para sa kanya, ang puso ng pagtuturo ay nakaugat sa karanasan ng mga nasa laylayan:<\/span><\/p>\n<blockquote>\n<p><i><span style=\"font-weight: 400;\">&#8220;Ang tunay na edukasyon ay ang pag-aaral sa mga totoong karanasan ng masang Pilipino\u2014bagay na hindi basta-basta nasasaliksik sa mga sanggunian dahil kuwento ito ng mga taong napag-iiwanan sa lipunan. Nangangahulugan din ito na ang edukasyon ay hindi lamang limitado sa apat na sulok ng tradisyunal na klasrum sapagkat kapag tinawag ng panahon, kahit saan ay maaari tayong mag-aral o magturo.&#8221;<\/span><\/i><\/p>\n<\/blockquote>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Dagdag pa ni Jessie, ang pagtindig para sa kaguruan ay pagtindig para sa kinabukasan ng bayan:<\/span><\/p>\n<blockquote>\n<p><i><span style=\"font-weight: 400;\">&#8220;Sa hirap ng buhay at hindi makataong trato sa mga kaguruan, maituturing bilang isang sakripisyo ang pagiging guro. Gayunpaman, isa itong marangal na trabahong dapat nating taas-noong ipaglaban para sa kinabukasan ng mga pag-asa ng bayan. Tayo ay mga guro, hindi guro &#8216;lamang.'&#8221;<\/span><\/i><\/p>\n<\/blockquote>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Ito ang diwang pinagtitibay ni <\/span><b>Fel Baluyot<\/b><span style=\"font-weight: 400;\">:<\/span><\/p>\n<blockquote>\n<p><i><span style=\"font-weight: 400;\">&#8220;Ang tunay na edukasyon ay hindi lamang iyong nababasa sa mga aklat kundi kung papaano natin isinasabuhay ang mga aral at karunungan na ating natutunan at kung paano natin ito nagagamit sa pagtulong sa pagtugon sa suliranin ng ating kapwa at pamayanan nang walang hinihintay na kapalit o karangalan.&#8221;<\/span><\/i><\/p>\n<\/blockquote>\n<h3><b>Bunga ng Pagsasama at Patuloy na Paglalakbay<\/b><\/h3>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Sa pagtatapos ng E-GURO ngayong Oktubre kasabay ng pandaigdigang pagkilala sa ating mga guro, napatunayan muli na ang <\/span><i><span style=\"font-weight: 400;\">distance education<\/span><\/i><span style=\"font-weight: 400;\"> ay may tunay at tumitibok na puso.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Mula sa mga boluntir na pumupukaw sa madaling-araw sa kabilang ibayo ng daigdig, hanggang sa mga gurong nagpupuyat matapos ang maghapong pagtuturo upang matapos ang kanilang mga modyul, nagtagpo ang lahat sa iisang layunin:<\/span><b> ang iangat ang antas ng edukasyon para sa bawat batang Pilipino.<\/b><\/p>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Ang pinakamataas na uri ng pagpupugay sa mga guro ay hindi nagtatapos sa mga bulaklak, sertipiko, o mensahe ng pasasalamat tuwing Oktubre 5. Ito ay naisasabuhay sa pamamagitan ng patuloy na pagbabahagi ng kasanayan, pagbubukas ng mga espasyo tulad ng E-GURO, at pagbuo ng isang komunidad na kailanman ay hindi mag-iiwan sa kanila sa laban. Sa bawat gurong napalalakas, libo-libong kabataang Pilipino ang nasisigurong may patas, makatao, at inklusibong panimula sa buhay.<\/span><\/p>\n<p>Isinulat ni: Mary Grace Fernandez \u2666 Pinatnugot ni: Larry Cruz, Reinald Dayson, at Naomi Jean Unlayao<\/p>\n<\/div><div class=\"fusion-clearfix\"><\/div><\/div><\/div><\/div><\/div>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"","protected":false},"author":1,"featured_media":2230,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[4],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/pahinungod.upou.edu.ph\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/2229"}],"collection":[{"href":"https:\/\/pahinungod.upou.edu.ph\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/pahinungod.upou.edu.ph\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/pahinungod.upou.edu.ph\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/pahinungod.upou.edu.ph\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcomments&post=2229"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/pahinungod.upou.edu.ph\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/2229\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":2231,"href":"https:\/\/pahinungod.upou.edu.ph\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/2229\/revisions\/2231"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/pahinungod.upou.edu.ph\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/media\/2230"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/pahinungod.upou.edu.ph\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fmedia&parent=2229"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/pahinungod.upou.edu.ph\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcategories&post=2229"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/pahinungod.upou.edu.ph\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Ftags&post=2229"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}